Grabe. Walang pasok ulit. Masaya sana kung walang mga proyekto na pinapagawa sa amin. Pero may Art quilt pa kami. Di na natapos ang pagdurusa namin sa quilt. Di binigay nina Marxlen at Gino yung bahagi nila ng quilt kaya (sana) tatapusin namin ito sa Biyernes. Basta, dapat matapos na namin yung quilt. Tapos di ako sigurado kung nagawa na nina Ada at Franco yung mga puppet namin para sa Filipino. Hay naku, sila na ang bahala diyan (Alam ko naman kaya nila yan! Moral support na lang ako! XD).
Nawalan din kami ng kuryente kahapon. May kuryente na ngayon kaya masaya na ako ulit. :D
May band akong natuklasan dahil kay Oona. Sila ay "The Red Jumpsuit Apparatus". Di ko alam kung bakit ganyan ang pangalan nila pero astig pa rin ang mga kanta nila (Damn Regret! :P).
Di na umuulan kaya maglalaro na lang ako ng badminton. Pero OK pa rin sa akin kung walang pasok bukas kasi astig kung walang pasok sa limang araw. Makakatulog din ako nang matagal. Wala ding takdang-aralin na gagawin! Ang saya!
May oras na ako para sa mga nobela na di ko pa natatapos. Sana matapos ko na sila ngayon.
Labels: free time, no classes, The Red Jumpsuit Apparatus