Pagod... ;
Binago ko na ulit yung layout kasi masyado daw maliit yung text ng isang layout at di daw mabasa ng mga tao. Sana naman di ko na kailangan baguhin ulit. Nakakatamad eh at mahirap maghanap ng matinong layout.
Binalik na rin pala ng mga guro yung perio namin. Okay naman. Di pa ako bumabagsak. Babawi na lang ako sa susunod na quarter para sa ibang subjects.
Nag-LT sa Physics. May mali na ako. Di ko sasabihin kasi nakakahiya. T_T
May homework ulit. Double T_T
Di ko pa nagagawa yung mga puppet ko para sa El Fili presentation. Sina Huli at Hermana Penchang pa naman. Triple T_T
In other words: Sana walang pasok bukas!
Labels: blog, LT, perio, requirements, school