May Pasok Na... ;
Sayang.
Nagkaroon na ng pasok ulit kaya maaga ako ulit gumising kanina para maghanda. Di naman ako masyado malungkot kasi dalawang araw na walang pasok = kalokohan+pahinga. Nakita ko rin yung mga lugar na talagang nasa "state of calamity" na. Kawawa talaga yung mga tao dun. Tapos sabi din sa akin ni Ada na tuyo na yung lupa sa Northern Luzon. Parang ganun din yung nakita namin sa "An Inconvinient Truth". Kawawa din sila kasi sila yung mga magsasaka. Kailangan nila talaga yung ulan para mabuhay sila. Dapat dun na lang umulan.
Uh...OK naman ang araw na toh sa Pisay. Di ako bumagsak sa Chem at Filipino perio kaya masaya na rin ako. Sana naman di ako bumagsak sa Algebra at VE. Marami na daw ang bumagsak sa VE. Nakakabahan na ako tuloy. Di din ako magaling sa Agebra pero sana naman OK lang ang perio ko.
May homework ulit (lalo na sa Geom). Aww... T_T (Sa Lunes ko na lang gagawin kasi may Art quilt pa...)
Sa Lunes na yung Filipino presentation namin. Kami ata yung huling grupo. Halos wala akong gagawin ngayon kasi may nagawa na ako. ^_^
Labels: An Inconvinient Truth, Filipino, perio, rain, school